Sangguniang Bayan 49th Regular Session on July 20, 2026

Sa pagbubukas ng pulong, taos-pusong binati ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang Team Cavinti 25U sa kanilang matagumpay na pagkapanalo laban sa Bayan ng Alaminos sa ginanap na Laguna Intertown Basketball Tournament noong Hulyo 18, 2026 sa Cavinti Sports Complex. Dahil sa kanilang ipinakitang husay, determinasyon, at mahusay na paglalaro, matagumpay na nakapasok ang Bayan ng Cavinti sa Quarter Finals ng nasabing kompetisyon, na nagbigay ng karangalan at pagmamalaki sa buong bayan.

Balita